Paano paganahin ang JavaScript sa inyong browser at bakit http://www.enablejavascript.io/
Melvin Melchor
Si Melvin Melchor A. Leal, 46 anyos, ay isang freelancer na tagasalin sa Tagalog na may 20 taong karanasan sa pagsasalin at paglolocalize ng samu’t saring apps, games, websites hanggang sa mga nitsong teknikal, pinansyal, legal, medikal at iba pa.
Siya ay isang katutubong Tagalog na ngayon ay naninirahan sa tinaguriang tahanan ng mga makatang Tagalog: ang probinsya ng Bulacan. Kung gaano siya katatas sa wikang Tagalog, ganun rin ang kanyang kahusayan sa wikang Ingles; ang pagpapatunay nito ay ang kanyang nakamtang grado na 8.5 sa IELTS exam. Nagtapos siya ng kursong Accountancy, kumuha ng iba’t ibang maliliit na kurso at training na may kinalaman sa epektibong pagsasalin at lokalisasyon, at ngayon ay namamayagpag bilang isa sa mga ekspertong Tagalog translator sa iba’t ibang freelancing platforms.
Ang freelancing ay ang kanyang full-time career, bagama’t siya rin ay isang ama sa 4 na supling, nagagawa pa rin niyang pagsabayin ang kanyang trabaho at responsibilidad bilang padre de pamilya. Si Melvin ay anak ng CPA at abugadong si Jose O. Leal, at propesora sa unibersidad na si Francisca A. Leal; hindi maipagkakaila ang katalinuhan at kagalingan sa sining na maaaring namana niya sa kanyang mga magulang. Siya na marahil ang pinakamatagumpay na Tagalog/Filipino translator sa platapormang Upwork, ang numero unong freelancing platform sa buong mundo. Ang kanyang kredensyal sa Upwork ay nagpapakita ng higit $150,000 na kita, higit sa 700 proyekto, at pinagkatiwalaan na ng 312 kliyente sa 5 taong pamamalagi niya sa plataporma. Ang ilan sa kanyang mga bigating kliyente ay kinabibilangan ng The New York Times, Fujitsu, DOH ng Los Angeles, The Church of Latter-day Saints at marami pang iba. Para higit pa siyang makilala, heto ang link sa kanyang profile: Upwork.
Higit pa sa pagsasalin, si Melvin ay isa ring kapita-pitagang manunulat at nagtataglay rin ng magandang boses at talento sa pag-awit; ang dahilan kaya siya ang boses sa maraming mga tv, radyo, promotional ads ng ilang malalaking kumpanya. May skills din siya sa iba’t ibang uri ng trabaho tulad ng researching, subtitling, admin at logistics. Sa kasalukuyan, patuloy niyang hinahasa ang kanyang kasanayan at kagalingan sa pagsasalin at sa higit pang mga trabaho sa pamamagitan ng pakikipag-kolaborasyon sa mga kliyente sa iba’t ibang dako ng mundo.
Ang pagsasalin na ginawa niya rito para sa Javascript ay bunga ng masusing pagsasaliksik at maingat na paggamit ng mga salita upang higit na maunawaan ng karamihan, lalong-lalo na para sa mga simpleng Pilipino. Ito ay upang kanilang lubos na matutunan ang buong konsepto ng Javascript at mga bentahe sa pagkakaroon nito.